2 Mga Taga-Corinto 4

Sinasabi sa Kasulatan, “Sumampalataya ako, kaya nagsalita ako.” Ganoon din ang aming ginagawa: Sumasampalataya kami, kaya nagsasalita kami.

2 Corinthians 4:13 (UKJV) We having the same spirit of faith, according as it is written, I believed, and therefore have I spoken; we also believe, and therefore speak;

11Sapagkat habang kamiʼy buhay pa, palagi kaming nasa bingit ng kamatayan dahil sa paglilingkod namin kay Hesus, upang sa pamamagitan ng aming katawang namamatay, makita rin ang buhay niya.

12Kaya kahit nasa bingit kami ng kamatayan, nagdudulot naman ito ng buhay para sa inyo.

13Sinasabi sa Kasulatan, “Sumampalataya ako, kaya nagsalita ako.” Ganoon din ang aming ginagawa: Sumasampalataya kami, kaya nagsasalita kami.

14Sapagkat alam naming ang Diyos na muling bumuhay sa Panginoong Hesus ang siya ring bubuhay sa amin, tulad ng ginawa niya kay Hesus, at dadalhin niya tayong lahat sa kanya.

15Ang lahat ng ito ay para sa ikabubuti ninyo, upang habang dumarami ang tumatanggap sa biyaya ng Diyos ay dumarami rin ang magpapasalamat, at ito ay ikaluluwalhati niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.