12Kaya kahit nasa bingit kami ng kamatayan, nagdudulot naman ito ng buhay para sa inyo.
13Sinasabi sa Kasulatan, “Sumampalataya ako, kaya nagsalita ako.” Ganoon din ang aming ginagawa: Sumasampalataya kami, kaya nagsasalita kami.
14Sapagkat alam naming ang Diyos na muling bumuhay sa Panginoong Hesus ang siya ring bubuhay sa amin, tulad ng ginawa niya kay Hesus, at dadalhin niya tayong lahat sa kanya.
15Ang lahat ng ito ay para sa ikabubuti ninyo, upang habang dumarami ang tumatanggap sa biyaya ng Diyos ay dumarami rin ang magpapasalamat, at ito ay ikaluluwalhati niya.
16Kaya iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na dahan-dahang nanghihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw.