2 Mga Taga-Corinto 4

Kaya iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na dahan-dahang nanghihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw.

2 Corinthians 4:16 (UKJV) For which cause we faint not; but though our outward man perish, yet the inward man is renewed day by day.

14Sapagkat alam naming ang Diyos na muling bumuhay sa Panginoong Hesus ang siya ring bubuhay sa amin, tulad ng ginawa niya kay Hesus, at dadalhin niya tayong lahat sa kanya.

15Ang lahat ng ito ay para sa ikabubuti ninyo, upang habang dumarami ang tumatanggap sa biyaya ng Diyos ay dumarami rin ang magpapasalamat, at ito ay ikaluluwalhati niya.

16Kaya iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na dahan-dahang nanghihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw.

17Sapagkat ang mga paghihirap na dinaranas namin sa mundong ito ay panandalian lamang. Ngunit nagdudulot ito ng kaluwalhatiang mananatili magpakailanman at hindi mapapantayan ng anuman.

18Kaya hindi nakatuon ang aming mga mata sa mga bagay na nakikita kundi sa mga bagay na hindi nakikita. Sapagkat ang mga bagay na nakikita ay panandalian lamang, ngunit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.