1Bilang mga katuwang sa gawain ng Diyos, nakikiusap kami sa inyo na huwag ninyong balewalain ang biyaya ng Diyos na inyong natanggap.
2Sapagkat sinabi ng Diyos, “Dininig kita sa tamang panahon, at tinulungan kita sa araw ng kaligtasan.” Kaya sinasabi ko sa inyo, ngayon na ang tamang panahon! Ngayon na ang araw ng kaligtasan.
3Hindi kami gumagawa ng kahit na anong ikakatisod ng ibang tao, upang hindi mapintasan ang paglilingkod namin sa Diyos.