2 Mga Taga-Corinto 6

Hindi kami gumagawa ng kahit na anong ikakatisod ng ibang tao, upang hindi mapintasan ang paglilingkod namin sa Diyos.

2 Corinthians 6:3 (UKJV) Giving no offence in any thing, that the ministry be not blamed:

1Bilang mga katuwang sa gawain ng Diyos, nakikiusap kami sa inyo na huwag ninyong balewalain ang biyaya ng Diyos na inyong natanggap.

2Sapagkat sinabi ng Diyos, “Dininig kita sa tamang panahon, at tinulungan kita sa araw ng kaligtasan.” Kaya sinasabi ko sa inyo, ngayon na ang tamang panahon! Ngayon na ang araw ng kaligtasan.

3Hindi kami gumagawa ng kahit na anong ikakatisod ng ibang tao, upang hindi mapintasan ang paglilingkod namin sa Diyos.

4Sa lahat ng aming ginagawa, sinisikap naming ipakita na kami ay totoong mga lingkod ng Diyos. Tinitiis namin ang anumang hirap, pasakit, kagipitan,

5pambubugbog, pagkakakulong, at panggugulo ng mga galit na tao. Sobrang pagod kami sa pagtatrabaho, halos wala kaming tulog at wala ring makain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.