2 Mga Taga-Corinto 6

Mga taga-Corinto, naging tapat kami sa aming pananalita sa inyo at binuksan namin ang aming mga puso para sa inyo.

2 Corinthians 6:11 (UKJV) O all of you Corinthians, our mouth is open unto you, our heart is enlarged.

9Tanyag kami, bagamaʼt may mga hindi kumikilala sa amin. Palagi kaming nasa bingit ng kamatayan, ngunit buháy pa rin hanggang ngayon. Pinaparusahan kami ngunit hindi pinapatay.

10Itinuturing kaming nalulungkot, ngunit palagi kaming masaya. Mahirap lang kami, ngunit marami kaming pinapayaman. Wala kaming pag-aari sa mundong ito, ngunit ang totoo, sagana kami sa lahat ng bagay.

11Mga taga-Corinto, naging tapat kami sa aming pananalita sa inyo at binuksan namin ang aming mga puso para sa inyo.

12Hindi kami nagkulang sa pagmamahal sa inyo. Kayo ang nagkulang sa pagmamahal sa amin.

13Nakikiusap ako sa inyo tulad ng isang ama sa kanyang mga anak: Buksan ninyo ang inyong mga puso para sa amin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.