10Itinuturing kaming nalulungkot, ngunit palagi kaming masaya. Mahirap lang kami, ngunit marami kaming pinapayaman. Wala kaming pag-aari sa mundong ito, ngunit ang totoo, sagana kami sa lahat ng bagay.
11Mga taga-Corinto, naging tapat kami sa aming pananalita sa inyo at binuksan namin ang aming mga puso para sa inyo.
12Hindi kami nagkulang sa pagmamahal sa inyo. Kayo ang nagkulang sa pagmamahal sa amin.
13Nakikiusap ako sa inyo tulad ng isang ama sa kanyang mga anak: Buksan ninyo ang inyong mga puso para sa amin.
14Huwag kayong makisama sa mga hindi mananampalataya. Sapagkat hindi maaaring magkaisa ang kabutihan at kasamaan, gaya ng liwanag at dilim, hindi rin sila maaaring magsama.