2 Mga Taga-Corinto 6

Nakikiusap ako sa inyo tulad ng isang ama sa kanyang mga anak: Buksan ninyo ang inyong mga puso para sa amin.

2 Corinthians 6:13 (UKJV) Now for a recompence in the same, (I speak as unto my children,) be all of you also enlarged.

11Mga taga-Corinto, naging tapat kami sa aming pananalita sa inyo at binuksan namin ang aming mga puso para sa inyo.

12Hindi kami nagkulang sa pagmamahal sa inyo. Kayo ang nagkulang sa pagmamahal sa amin.

13Nakikiusap ako sa inyo tulad ng isang ama sa kanyang mga anak: Buksan ninyo ang inyong mga puso para sa amin.

14Huwag kayong makisama sa mga hindi mananampalataya. Sapagkat hindi maaaring magkaisa ang kabutihan at kasamaan, gaya ng liwanag at dilim, hindi rin sila maaaring magsama.

15At kung paanong hindi magkasundo si Kristo at si Satanas, ganoon din naman ang mananampalataya at ang hindi mananampalataya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.