2 Mga Taga-Corinto 7

Malaki ang tiwala ko sa inyo, at ipinagmamalaki ko kayo! Labis na napalakas ang aking loob at nag-uumapaw sa galak ang aking puso sa kabila ng lahat ng aming mga paghihirap.

2 Corinthians 7:4 (UKJV) Great is my boldness of speech toward you, great is my glorying of you: I am filled with comfort, I am exceeding joyful in all our tribulation.

2Buksan ninyo ang inyong mga puso para sa amin. Wala kaming ginawang masama kahit kanino. Hindi namin siniraan o dinaya ang sinuman.

3Hindi ko sinasabi ito para ipahiya kayo. Gaya ng sinabi ko noong una, mahal na mahal namin kayo at handa kaming mabuhay o mamatay kasama ninyo.

4Malaki ang tiwala ko sa inyo, at ipinagmamalaki ko kayo! Labis na napalakas ang aking loob at nag-uumapaw sa galak ang aking puso sa kabila ng lahat ng aming mga paghihirap.

5Sapagkat nang dumating kami sa Macedonia, wala rin kaming pahinga, dahil sa lahat ng pagkakataon hinarap namin ang kabi-kabilang paghihirap, mga pagtuligsa mula sa labas at pangambang nasa aming kalooban.

6Ngunit ang Diyos na nagpapalakas ng loob ng mga nanghihina ay pinalakas ang loob namin sa pagdating ni Tito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.