2 Mga Taga-Corinto 8

Kaya ito ang maipapayo ko sa inyo: Makabubuti kung ipagpapatuloy ninyo ang sinimulan ninyong pagbibigay noong nakaraang taon. Kayo ang unang nakaisip nito, at kayo rin ang unang nagsagawa.

2 Corinthians 8:10 (UKJV) And herein I give my advice: for this is expedient for you, who have begun before, not only to do, but also to be forward a year ago.

8Hindi sa inuutusan ko kayo; sinasabi ko lamang sa inyo ang ginagawang pagtulong ng iba para subukin kung tunay ang inyong pagmamahal.

9Sapagkat alam naman ninyo ang biyayang ipinakita ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na kahit mayaman siya ay nagpakadukha siya alang-alang sa atin, upang sa pamamagitan ng kanyang kahirapan ay maging mayaman tayo.

10Kaya ito ang maipapayo ko sa inyo: Makabubuti kung ipagpapatuloy ninyo ang sinimulan ninyong pagbibigay noong nakaraang taon. Kayo ang unang nakaisip nito, at kayo rin ang unang nagsagawa.

11Kaya ituloy ninyo ito! Pagsikapan ninyong tapusin ang gawain na masigasig ninyong sinimulan, at magbigay kayo sa abot ng inyong makakaya.

12Sapagkat kung kusang-loob ang inyong pagbibigay, tatanggapin ng Diyos ang anumang makayanan ninyo. Hindi niya kayo pinagbibigay nang hindi ninyo kaya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.