2 Mga Taga-Corinto 8

Sapagkat alam naman ninyo ang biyayang ipinakita ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na kahit mayaman siya ay nagpakadukha siya alang-alang sa atin, upang sa pamamagitan ng kanyang kahirapan ay maging mayaman tayo.

2 Corinthians 8:9 (UKJV) For all of you know the grace of our Lord Jesus Christ, that, though he was rich, yet for your sakes he became poor, that all of you through his poverty might be rich.

7Nangunguna kayo sa lahat ng bagay: sa pananampalataya, sa pananalita, sa kaalaman, sa kasipagan, sa sigasig, at sa pagmamahal ninyo sa amin. Kaya gusto naming manguna rin kayo sa pagbibigay.

8Hindi sa inuutusan ko kayo; sinasabi ko lamang sa inyo ang ginagawang pagtulong ng iba para subukin kung tunay ang inyong pagmamahal.

9Sapagkat alam naman ninyo ang biyayang ipinakita ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na kahit mayaman siya ay nagpakadukha siya alang-alang sa atin, upang sa pamamagitan ng kanyang kahirapan ay maging mayaman tayo.

10Kaya ito ang maipapayo ko sa inyo: Makabubuti kung ipagpapatuloy ninyo ang sinimulan ninyong pagbibigay noong nakaraang taon. Kayo ang unang nakaisip nito, at kayo rin ang unang nagsagawa.

11Kaya ituloy ninyo ito! Pagsikapan ninyong tapusin ang gawain na masigasig ninyong sinimulan, at magbigay kayo sa abot ng inyong makakaya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.