2 Mga Taga-Corinto 8

Nangunguna kayo sa lahat ng bagay: sa pananampalataya, sa pananalita, sa kaalaman, sa kasipagan, sa sigasig, at sa pagmamahal ninyo sa amin. Kaya gusto naming manguna rin kayo sa pagbibigay.

2 Corinthians 8:7 (UKJV) Therefore, as all of you abound in every thing, in faith, and utterance, and knowledge, and in all diligence, and in your love to us, see that all of you abound in this grace also.

5At higit pa nga sa aming inaasahan ang kanilang ginawa, dahil una sa lahat, inialay nila ang kanilang mga sarili sa Panginoon at sa amin, ayon sa kalooban ng Diyos.

6Dahil sa kanilang ginawa ay pinakiusapan namin si Tito na bumalik sa inyo, at tapusin ang inumpisahan niyang pangongolekta ng inyong tulong.

7Nangunguna kayo sa lahat ng bagay: sa pananampalataya, sa pananalita, sa kaalaman, sa kasipagan, sa sigasig, at sa pagmamahal ninyo sa amin. Kaya gusto naming manguna rin kayo sa pagbibigay.

8Hindi sa inuutusan ko kayo; sinasabi ko lamang sa inyo ang ginagawang pagtulong ng iba para subukin kung tunay ang inyong pagmamahal.

9Sapagkat alam naman ninyo ang biyayang ipinakita ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na kahit mayaman siya ay nagpakadukha siya alang-alang sa atin, upang sa pamamagitan ng kanyang kahirapan ay maging mayaman tayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.