2 Mga Taga-Corinto 8

At higit pa nga sa aming inaasahan ang kanilang ginawa, dahil una sa lahat, inialay nila ang kanilang mga sarili sa Panginoon at sa amin, ayon sa kalooban ng Diyos.

2 Corinthians 8:5 (UKJV) And this they did, not as we hoped, but first gave their own selves to the Lord, and unto us by the will of God.

3Makapagpapatotoo ako sa inyo na kusang-loob silang nagbigay at higit pa nga sa kanilang makakaya.

4Sapagkat sila na mismo ang paulit-ulit na nakiusap sa amin na bigyan sila ng pagkakataong makatulong sa mga mananampalataya.

5At higit pa nga sa aming inaasahan ang kanilang ginawa, dahil una sa lahat, inialay nila ang kanilang mga sarili sa Panginoon at sa amin, ayon sa kalooban ng Diyos.

6Dahil sa kanilang ginawa ay pinakiusapan namin si Tito na bumalik sa inyo, at tapusin ang inumpisahan niyang pangongolekta ng inyong tulong.

7Nangunguna kayo sa lahat ng bagay: sa pananampalataya, sa pananalita, sa kaalaman, sa kasipagan, sa sigasig, at sa pagmamahal ninyo sa amin. Kaya gusto naming manguna rin kayo sa pagbibigay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.