2 Mga Taga-Corinto 8

Hindi ko sinasabi na magbigay kayo upang guminhawa ang iba at kayo naman ang maghirap, kundi para magkaroon ng pagkakapantay-pantay.

2 Corinthians 8:13 (UKJV) For I mean not that other men be eased, and all of you burdened:

11Kaya ituloy ninyo ito! Pagsikapan ninyong tapusin ang gawain na masigasig ninyong sinimulan, at magbigay kayo sa abot ng inyong makakaya.

12Sapagkat kung kusang-loob ang inyong pagbibigay, tatanggapin ng Diyos ang anumang makayanan ninyo. Hindi niya kayo pinagbibigay nang hindi ninyo kaya.

13Hindi ko sinasabi na magbigay kayo upang guminhawa ang iba at kayo naman ang maghirap, kundi para magkaroon ng pagkakapantay-pantay.

14Sa ngayon ay masagana kayo, kaya nararapat lamang na tulungan ninyo ang nangangailangan. Sa panahon na kayo naman ang mangailangan, at sila ang masagana, sila naman ang tutulong sa inyo. Sa gayon, magkakaroon nga ng pagkakapantay-pantay.

15Ayon nga sa Kasulatan: “Ang nagtipon ng marami ay hindi sumobra, at ang nagtipon ng kaunti ay hindi naman kinulang.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.