13Hindi ko sinasabi na magbigay kayo upang guminhawa ang iba at kayo naman ang maghirap, kundi para magkaroon ng pagkakapantay-pantay.
14Sa ngayon ay masagana kayo, kaya nararapat lamang na tulungan ninyo ang nangangailangan. Sa panahon na kayo naman ang mangailangan, at sila ang masagana, sila naman ang tutulong sa inyo. Sa gayon, magkakaroon nga ng pagkakapantay-pantay.
15Ayon nga sa Kasulatan: “Ang nagtipon ng marami ay hindi sumobra, at ang nagtipon ng kaunti ay hindi naman kinulang.”
16Nagpapasalamat kami sa Diyos na ipinadama niya sa puso ni Tito ang pagmamalasakit sa inyo na tulad ng pagmamalasakit namin sa inyo.
17Sapagkat hindi lang siya sumang-ayon sa aming pakiusap, kundi siya na rin mismo ang may gustong pumunta diyan.