10Ang Diyos na nagbibigay ng binhi sa magsasaka at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay ng inyong mga pangangailangan upang lalo pa kayong makatulong sa iba.
11Pasasaganain kayo ng Diyos sa lahat ng bagay upang palagi kayong makatulong sa iba. At marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa tulong na ipinapadala ninyo sa kanila sa pamamagitan namin.
12Dahil sa inyong pagbibigay, hindi lamang ninyo natutugunan ang pangangailangan ng mga mananampalataya, kundi magiging dahilan din ito upang marami ang magpasalamat sa Diyos.
13Sapagkat pinatutunayan ninyo sa inyong pagtulong na sinusunod ninyo ang Magandang Balita tungkol kay Kristo na inyong pinaniniwalaan. At dahil sa pagtulong ninyo sa kanila at sa iba pa, papupurihan nila ang Diyos.
14Buong puso silang mananalangin para sa inyo dahil sa dakilang biyaya ng Diyos na ipinamalas sa inyo.