2 Mga Taga-Corinto 9

Sapagkat pinatutunayan ninyo sa inyong pagtulong na sinusunod ninyo ang Magandang Balita tungkol kay Kristo na inyong pinaniniwalaan. At dahil sa pagtulong ninyo sa kanila at sa iba pa, papupurihan nila ang Diyos.

2 Corinthians 9:13 (UKJV) While by the experiment of this ministration they glorify God for your professed subjection unto the gospel of Christ, and for your liberal distribution unto them, and unto all men;

11Pasasaganain kayo ng Diyos sa lahat ng bagay upang palagi kayong makatulong sa iba. At marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa tulong na ipinapadala ninyo sa kanila sa pamamagitan namin.

12Dahil sa inyong pagbibigay, hindi lamang ninyo natutugunan ang pangangailangan ng mga mananampalataya, kundi magiging dahilan din ito upang marami ang magpasalamat sa Diyos.

13Sapagkat pinatutunayan ninyo sa inyong pagtulong na sinusunod ninyo ang Magandang Balita tungkol kay Kristo na inyong pinaniniwalaan. At dahil sa pagtulong ninyo sa kanila at sa iba pa, papupurihan nila ang Diyos.

14Buong puso silang mananalangin para sa inyo dahil sa dakilang biyaya ng Diyos na ipinamalas sa inyo.

15Pasalamatan natin ang Diyos sa kanyang kaloob na hindi natin kayang ipaliwanag.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.