13Sapagkat pinatutunayan ninyo sa inyong pagtulong na sinusunod ninyo ang Magandang Balita tungkol kay Kristo na inyong pinaniniwalaan. At dahil sa pagtulong ninyo sa kanila at sa iba pa, papupurihan nila ang Diyos.
14Buong puso silang mananalangin para sa inyo dahil sa dakilang biyaya ng Diyos na ipinamalas sa inyo.
15Pasalamatan natin ang Diyos sa kanyang kaloob na hindi natin kayang ipaliwanag.