1Tulad ng kababaang-loob at kabutihan ni Kristo, akong si Pablo ay nakikiusap sa inyo. Ako raw ay matapang lamang kapag malayo sa inyo ngunit maamo naman kapag kaharap na.
2Nakikiusap ako na huwag sana ninyo akong piliting magpakita ng tapang pagdating ko diyan. Sapagkat handa akong harapin ang nagsasabi sa inyong makamundo raw ang pamumuhay namin.
3Kahit na namumuhay kami rito sa mundo, hindi kami nakikipaglaban sa mga kumokontra sa katotohanan nang ayon sa pamamaraan ng mundo.