2 Mga Hari 10

nakita niya ang mga kamag-anak ni Haring Ahazias ng Juda. Tinanong niya ang mga ito, “Sino kayo?” Sumagot sila, “Mga kamag-anak po kami ni Ahazias at nagpunta kami rito para dumalaw sa pamilya ng hari at ng inang Reyna.”

2 Kings 10:13 (UKJV) Jehu met with the brethren of Ahaziah king of Judah, and said, Who are all of you? And they answered, We are the brethren of Ahaziah; and we go down to salute the children of the king and the children of the queen.

11Pagkatapos, pinatay ni Jehu ang lahat ng kamag-anak ni Ahab sa Jezreel, pati ang mga opisyal, kaibigan at mga pari nito. Walang kahit isang natirang buháy sa kanila.

12Lumakad si Jehu papunta sa Samaria. Habang nasa daan siya, sa lugar na tinatawag na Pinagtitipunan ng mga Pastol ng mga Tupa,

13nakita niya ang mga kamag-anak ni Haring Ahazias ng Juda. Tinanong niya ang mga ito, “Sino kayo?” Sumagot sila, “Mga kamag-anak po kami ni Ahazias at nagpunta kami rito para dumalaw sa pamilya ng hari at ng inang Reyna.”

14Inutusan ni Jehu ang mga tauhan niya, “Hulihin ninyo sila nang buháy!” Kaya hinuli sila nang buháy. Dinala sila at pinatay doon sa may balon sa lugar ng Bet-eked: apatnapuʼt dalawa silang lahat. Walang iniwang buháy si Jehu.

15Pag-alis ni Jehu roon, nakita niyang paparating ang anak ni Recab na si Jonadab para makipagkita sa kanya. Pagkatapos nilang batiin ang isaʼt isa, tinanong siya ni Jehu, “Tapat ka ba sa akin tulad ng pagiging tapat ko saʼyo?” “Opo,” sagot si Jehonadab. Sinabi ni Jehu, “Kung ganoon, iabot mo sa akin ang kamay mo.” Iniabot ni Jehonadab ang kamay niya at pinaakyat siya ni Jehu sa kanyang karwahe.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.