2 Mga Hari 10

Sinabi ni Jehu, “Sumama ka sa akin para makita mo ang katapatan ko sa Panginoon.” Kaya sumáma si Jehonadab sa kanya.

2 Kings 10:16 (UKJV) And he said, Come with me, and see my zeal for the LORD. So they made him ride in his chariot.

14Inutusan ni Jehu ang mga tauhan niya, “Hulihin ninyo sila nang buháy!” Kaya hinuli sila nang buháy. Dinala sila at pinatay doon sa may balon sa lugar ng Bet-eked: apatnapuʼt dalawa silang lahat. Walang iniwang buháy si Jehu.

15Pag-alis ni Jehu roon, nakita niyang paparating ang anak ni Recab na si Jonadab para makipagkita sa kanya. Pagkatapos nilang batiin ang isaʼt isa, tinanong siya ni Jehu, “Tapat ka ba sa akin tulad ng pagiging tapat ko saʼyo?” “Opo,” sagot si Jehonadab. Sinabi ni Jehu, “Kung ganoon, iabot mo sa akin ang kamay mo.” Iniabot ni Jehonadab ang kamay niya at pinaakyat siya ni Jehu sa kanyang karwahe.

16Sinabi ni Jehu, “Sumama ka sa akin para makita mo ang katapatan ko sa Panginoon.” Kaya sumáma si Jehonadab sa kanya.

17Pagdating ni Jehu sa Samaria, ipinapatay niya ang lahat ng natira sa pamilya ni Ahab, ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Elias.

18Tinipon ni Jehu ang lahat ng tao at sinabi, “Hindi ganoon katapat si Ahab sa paglilingkod niya kay Baal kung ikukumpara sa gagawin kong paglilingkod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.