2 Mga Hari 11

Ibinigay ni Jehoiada sa mga pinuno ang mga sibat at pananggalang na nakatago sa Templo ng Panginoon, na pag-aari noon ni Haring David.

2 Kings 11:10 (UKJV) And to the captains over hundreds did the priest give king David's spears and shields, that were in the temple of the LORD.

8Dapat ninyong bantayang mabuti ang hari, dala ang inyong mga sandata, sundan nʼyo siya kahit saan siya magpunta. Patayin ninyo ang sinumang lalapit sa inyo.”

9Ginawa ng mga pinuno ang iniutos ng paring si Jehoiada. Tinipon nila ang mga tauhan nila na nagbabantay kapag Araw ng Pamamahinga, pati na rin ang mga hindi nagbabantay sa araw na iyon at dinala nila kay Jehoiada.

10Ibinigay ni Jehoiada sa mga pinuno ang mga sibat at pananggalang na nakatago sa Templo ng Panginoon, na pag-aari noon ni Haring David.

11Pumwesto ang mga armadong guwardiya sa palibot ng Templo at ng altar para protektahan ang hari.

12Pagkatapos, inilabas ni Jehoiada si Joas na anak ng hari at kinoronahan. Binigyan niya ito ng kopya ng mga kautusan ng Panginoon. Idineklara siyang hari at pinahiran ng langis bilang pagkilala na siya na ang hari. Pagkatapos, nagpalakpakan ang mga tao at sumigaw, “Mabuhay ang Hari!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.