2 Mga Hari 11

Ginawa ng mga pinuno ang iniutos ng paring si Jehoiada. Tinipon nila ang mga tauhan nila na nagbabantay kapag Araw ng Pamamahinga, pati na rin ang mga hindi nagbabantay sa araw na iyon at dinala nila kay Jehoiada.

2 Kings 11:9 (UKJV) And the captains over the hundreds did according to all things that Jehoiada the priest commanded: and they took every man his men that were to come in on the sabbath, with them that should go out on the sabbath, and came to Jehoiada the priest.

7Ang dalawang grupo sa inyo na hindi nagbabantay kapag Araw ng Pamamahinga ang siyang magbabantay sa Templo ng Panginoon para ingatan ang hari.

8Dapat ninyong bantayang mabuti ang hari, dala ang inyong mga sandata, sundan nʼyo siya kahit saan siya magpunta. Patayin ninyo ang sinumang lalapit sa inyo.”

9Ginawa ng mga pinuno ang iniutos ng paring si Jehoiada. Tinipon nila ang mga tauhan nila na nagbabantay kapag Araw ng Pamamahinga, pati na rin ang mga hindi nagbabantay sa araw na iyon at dinala nila kay Jehoiada.

10Ibinigay ni Jehoiada sa mga pinuno ang mga sibat at pananggalang na nakatago sa Templo ng Panginoon, na pag-aari noon ni Haring David.

11Pumwesto ang mga armadong guwardiya sa palibot ng Templo at ng altar para protektahan ang hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.