2 Mga Hari 11

Pagkatapos, inilabas ni Jehoiada si Joas na anak ng hari at kinoronahan. Binigyan niya ito ng kopya ng mga kautusan ng Panginoon. Idineklara siyang hari at pinahiran ng langis bilang pagkilala na siya na ang hari. Pagkatapos, nagpalakpakan ang mga tao at sumigaw, “Mabuhay ang Hari!”

2 Kings 11:12 (UKJV) And he brought forth the king's son, and put the crown upon him, and gave him the testimony; and they made him king, and anointed him; and they clapped their hands, and said, God save the king.

10Ibinigay ni Jehoiada sa mga pinuno ang mga sibat at pananggalang na nakatago sa Templo ng Panginoon, na pag-aari noon ni Haring David.

11Pumwesto ang mga armadong guwardiya sa palibot ng Templo at ng altar para protektahan ang hari.

12Pagkatapos, inilabas ni Jehoiada si Joas na anak ng hari at kinoronahan. Binigyan niya ito ng kopya ng mga kautusan ng Panginoon. Idineklara siyang hari at pinahiran ng langis bilang pagkilala na siya na ang hari. Pagkatapos, nagpalakpakan ang mga tao at sumigaw, “Mabuhay ang Hari!”

13Nang marinig ni Atalia ang ingay ng mga guwardiya at ng mga tao, pinuntahan niya ang mga ito sa Templo ng Panginoon.

14Nakita niya roon ang bagong hari na nakatayo malapit sa haligi, ayon sa kaugalian ng pagdedeklara sa isang hari. Nakapalibot sa hari ang mga pinuno at mga tagapagpatunog ng trumpeta. Ang lahat ng tao ay nagsasaya at nagpapatunog ng mga trumpeta. Nang makita ito ni Atalia, pinunit niya ang kanyang damit at sumigaw, “Mga traydor! Mga traydor!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.