2 Mga Hari 13

Naging hari ng Israel ang anak ni Jehu na si Joahaz nang ikadalawampuʼt tatlong taon ng paghahari ng anak ni Ahazias na si Joas sa Juda. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng labimpitong taon.

2 Kings 13:1 (UKJV) In the three and twentieth year of Joash the son of Ahaziah king of Judah Jehoahaz the son of Jehu began to reign over Israel in Samaria, and reigned seventeen years.

1Naging hari ng Israel ang anak ni Jehu na si Joahaz nang ikadalawampuʼt tatlong taon ng paghahari ng anak ni Ahazias na si Joas sa Juda. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng labimpitong taon.

2Masasama ang ginawa ni Joahaz sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa mga ginawa ni Jeroboam, na anak ni Nebat, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel. Hindi niya tinalikuran ang mga kasalanang ito.

3Kaya nagalit nang matindi ang Panginoon sa Israel. Hinayaan niyang masakop ito ni Haring Hazael ng Aram at ng anak nitong si Ben-hadad nang matagal na panahon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.