13Nang mamatay si Jehoas, inilibing siya sa libingan ng mga hari ng Israel sa Samaria. Ang anak niyang si Jeroboam II ang pumalit sa kanya bilang hari.
14Nang magkasakit si Eliseo at malapit nang mamatay, pumunta sa kanya si Haring Joas noong buháy pa ito at umiyak. Sinabi ni Jehoas, “Ama ko! Ama ko! Ang mga karwahe at mangangabayo ng Israel!”
15Sinabi ni Eliseo, “Kumuha ka ng pana at mga palaso.” Ginawa nga ito ni Joas.
16Sinabi ni Eliseo, “Hawakan mo ang pana.” Habang hawak ito ni Joas, ipinatong ni Eliseo ang kamay niya kay Joas
17at sinabi, “Buksan mo ang bintana sa bandang silangan.” Binuksan nga niya ito. Pagkatapos, sinabi ni Eliseo, “Pumana ka.” Pumana nga siya. Sinabi ni Eliseo, “Ang palasong iyon ay palatandaan na pagtatagumpayin ka ng Panginoon laban sa Aram. Tatalunin mo ang mga Arameo sa Afek hanggang sa malipol sila.”