2 Mga Hari 13

Muling sinabi ni Eliseo kay Joas na kumuha siya ng mga palaso. Nang makakuha siya, sinabi ni Eliseo, “Panain mo ang lupa.” Pinana nga niya ang lupa ng tatlong beses at huminto siya.

2 Kings 13:18 (UKJV) And he said, Take the arrows. And he took them. And he said unto the king of Israel, Strike upon the ground. And he stroke three times, and stayed.

16Sinabi ni Eliseo, “Hawakan mo ang pana.” Habang hawak ito ni Joas, ipinatong ni Eliseo ang kamay niya kay Joas

17at sinabi, “Buksan mo ang bintana sa bandang silangan.” Binuksan nga niya ito. Pagkatapos, sinabi ni Eliseo, “Pumana ka.” Pumana nga siya. Sinabi ni Eliseo, “Ang palasong iyon ay palatandaan na pagtatagumpayin ka ng Panginoon laban sa Aram. Tatalunin mo ang mga Arameo sa Afek hanggang sa malipol sila.”

18Muling sinabi ni Eliseo kay Joas na kumuha siya ng mga palaso. Nang makakuha siya, sinabi ni Eliseo, “Panain mo ang lupa.” Pinana nga niya ang lupa ng tatlong beses at huminto siya.

19Nagalit ang lingkod ng Diyos sa kanya at sinabi, “Pinana mo dapat ng lima o anim na beses para tuluyan mong mawasak ang lahat ng Arameo. Pero ngayon, tatlong beses mo lang sila matatalo.”

20Kinalaunan, namatay si Eliseo at inilibing. Tuwing tagsibol, may grupo ng mga tulisang Moabita na lumulusob sa Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.