2 Mga Hari 13

Kinalaunan, namatay si Eliseo at inilibing. Tuwing tagsibol, may grupo ng mga tulisang Moabita na lumulusob sa Israel.

2 Kings 13:20 (UKJV) And Elisha died, and they buried him. And the bands of the Moabites invaded the land at the coming in of the year.

18Muling sinabi ni Eliseo kay Joas na kumuha siya ng mga palaso. Nang makakuha siya, sinabi ni Eliseo, “Panain mo ang lupa.” Pinana nga niya ang lupa ng tatlong beses at huminto siya.

19Nagalit ang lingkod ng Diyos sa kanya at sinabi, “Pinana mo dapat ng lima o anim na beses para tuluyan mong mawasak ang lahat ng Arameo. Pero ngayon, tatlong beses mo lang sila matatalo.”

20Kinalaunan, namatay si Eliseo at inilibing. Tuwing tagsibol, may grupo ng mga tulisang Moabita na lumulusob sa Israel.

21Minsan, may mga Israelita na naglilibing ng patay pero nang makita nila ang grupo ng mga Moabita na lumulusob, naihagis nila ang bangkay sa pinaglibingan kay Eliseo at sila ay tumakas. Nang sumagi ang bangkay sa mga buto ni Eliseo, nabuhay ang patay at tumayo.

22Pinahirapan ni Haring Hazael ng Aram ang Israel sa buong panahon ng paghahari ni Joahaz.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.