2 Mga Hari 15

Naging hari ng Israel si Salum na anak ni Jabes noong ikatatlumpuʼt siyam na taon ng paghahari ni Uzias sa Juda. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya sa loob ng isang buwan.

2 Kings 15:13 (UKJV) Shallum the son of Jabesh began to reign in the nine and thirtieth year of Uzziah king of Judah; and he reigned a full month in Samaria.

11Ang iba pang pangyayari tungkol sa paghahari ni Zacarias ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

12Kaya natupad ang sinabi ng Panginoon kay Jehu, “Ang mga angkan mo ay maghahari sa Israel hanggang sa ikaapat na henerasyon.”

13Naging hari ng Israel si Salum na anak ni Jabes noong ikatatlumpuʼt siyam na taon ng paghahari ni Uzias sa Juda. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya sa loob ng isang buwan.

14Pinatay siya ni Menahem na anak ni Gadi nang dumating ito sa Samaria galing Tirza. Si Menahem ang pumalit kay Salum bilang hari.

15Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Salum, pati ang balak niyang pagpatay kay Zacarias ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.