2 Mga Hari 15

Kaya natupad ang sinabi ng Panginoon kay Jehu, “Ang mga angkan mo ay maghahari sa Israel hanggang sa ikaapat na henerasyon.”

2 Kings 15:12 (UKJV) This was the word of the LORD which he spoke unto Jehu, saying, Your sons shall sit on the throne of Israel unto the fourth generation. And so it came to pass.

10Nagplano ng masama ang anak ni Jabes na si Salum laban kay Zacarias. Pinatay niya si Zacarias sa harap ng mga tao at siya ang pumalit bilang hari.

11Ang iba pang pangyayari tungkol sa paghahari ni Zacarias ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

12Kaya natupad ang sinabi ng Panginoon kay Jehu, “Ang mga angkan mo ay maghahari sa Israel hanggang sa ikaapat na henerasyon.”

13Naging hari ng Israel si Salum na anak ni Jabes noong ikatatlumpuʼt siyam na taon ng paghahari ni Uzias sa Juda. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya sa loob ng isang buwan.

14Pinatay siya ni Menahem na anak ni Gadi nang dumating ito sa Samaria galing Tirza. Si Menahem ang pumalit kay Salum bilang hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.