2 Mga Hari 15

Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Menahem at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

2 Kings 15:21 (UKJV) And the rest of the acts of Menahem, and all that he did, are they not written in the book of the chronicles of the kings of Israel?

19Dumating si Haring Tiglat-pileser ng Asiria sa Israel para lusubin ito, kaya binigyan siya ni Menahem ng 35 toneladang pilak para tulungan siya nito na mapatibay pa ng husto ang kanyang paghahari.

20Kinuha ni Menahem ang mga pilak sa mga mayayaman ng Israel sa pamamagitan ng pagpilit sa bawat isa sa kanila na magbigay ng limampung piraso ng pilak. Kaya huminto sa paglusob ang hari ng Asiria at umuwi sa bansa niya.

21Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Menahem at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

22Nang mamatay si Menahem, ang anak niyang si Pekaya ang pumalit sa kanya bilang hari.

23Noong ikalimampung taon ng paghahari ni Azarias sa Juda, naging hari ng Israel ang anak ni Menahem na si Pekaya. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng dalawang taon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.