2 Mga Hari 16

Gumawa si Urias ng altar ayon sa plano na ipinadala ni Ahaz at natapos niya ang altar bago makabalik si Ahaz galing Damasco.

2 Kings 16:11 (UKJV) And Urijah the priest built an altar according to all that king Ahaz had sent from Damascus: so Urijah the priest made it against king Ahaz came from Damascus.

9Pumayag ang hari ng Asiria sa kahilingan ni Ahaz, kaya nilusob niya ang Damasco at sinakop ito. Dinala niya sa Kir ang mga naninirahan dito bilang mga bihag at pinatay niya si Rezin.

10Pagkatapos, pumunta si Haring Ahaz sa Damasco para makipagkita kay Haring Tiglat-pileser ng Asiria. Nang naroon na siya, may nakita siyang altar. Kaya pinadalhan niya ang paring si Urias ng plano ng altar kasama ang mga detalye sa paggawa nito.

11Gumawa si Urias ng altar ayon sa plano na ipinadala ni Ahaz at natapos niya ang altar bago makabalik si Ahaz galing Damasco.

12Pagdating ni Haring Ahaz mula sa Damasco, nakita niya ang altar. Lumapit siya dito at nag-alay ng handog na sinusunog at handog na pagpaparangal at ibinuhos niya sa altar ang handog na inumin at winisikan ng dugo ng handog pangkapayapaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.