2 Mga Hari 16

Pagkatapos, pumunta si Haring Ahaz sa Damasco para makipagkita kay Haring Tiglat-pileser ng Asiria. Nang naroon na siya, may nakita siyang altar. Kaya pinadalhan niya ang paring si Urias ng plano ng altar kasama ang mga detalye sa paggawa nito.

2 Kings 16:10 (UKJV) And king Ahaz went to Damascus to meet Tiglathpileser king of Assyria, and saw an altar that was at Damascus: and king Ahaz sent to Urijah the priest the fashion of the altar, and the pattern of it, according to all the workmanship thereof.

8Kinuha ni Ahaz ang pilak at ginto sa Templo ng Panginoon at mga kabang-yaman sa palasyo at ipinadala ito bilang regalo sa hari ng Asiria.

9Pumayag ang hari ng Asiria sa kahilingan ni Ahaz, kaya nilusob niya ang Damasco at sinakop ito. Dinala niya sa Kir ang mga naninirahan dito bilang mga bihag at pinatay niya si Rezin.

10Pagkatapos, pumunta si Haring Ahaz sa Damasco para makipagkita kay Haring Tiglat-pileser ng Asiria. Nang naroon na siya, may nakita siyang altar. Kaya pinadalhan niya ang paring si Urias ng plano ng altar kasama ang mga detalye sa paggawa nito.

11Gumawa si Urias ng altar ayon sa plano na ipinadala ni Ahaz at natapos niya ang altar bago makabalik si Ahaz galing Damasco.

12Pagdating ni Haring Ahaz mula sa Damasco, nakita niya ang altar. Lumapit siya dito at nag-alay ng handog na sinusunog at handog na pagpaparangal at ibinuhos niya sa altar ang handog na inumin at winisikan ng dugo ng handog pangkapayapaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.