2 Mga Hari 16

Pagdating ni Haring Ahaz mula sa Damasco, nakita niya ang altar. Lumapit siya dito at nag-alay ng handog na sinusunog at handog na pagpaparangal at ibinuhos niya sa altar ang handog na inumin at winisikan ng dugo ng handog pangkapayapaan.

2 Kings 16:12 (UKJV) And when the king was come from Damascus, the king saw the altar: and the king approached to the altar, and offered thereon.

10Pagkatapos, pumunta si Haring Ahaz sa Damasco para makipagkita kay Haring Tiglat-pileser ng Asiria. Nang naroon na siya, may nakita siyang altar. Kaya pinadalhan niya ang paring si Urias ng plano ng altar kasama ang mga detalye sa paggawa nito.

11Gumawa si Urias ng altar ayon sa plano na ipinadala ni Ahaz at natapos niya ang altar bago makabalik si Ahaz galing Damasco.

12Pagdating ni Haring Ahaz mula sa Damasco, nakita niya ang altar. Lumapit siya dito at nag-alay ng handog na sinusunog at handog na pagpaparangal at ibinuhos niya sa altar ang handog na inumin at winisikan ng dugo ng handog pangkapayapaan.

14Pagkatapos, tinanggal niya ang lumang tansong altar na nasa presensya ng Panginoon. Ito ay nasa pagitan ng bagong altar at ng Templo ng Panginoon at inilagay niya ito sa bandang hilaga ng bagong altar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.