2 Mga Hari 17

Noong ikalabindalawang taon ng paghahari ni Ahaz sa Juda, naging hari ng Israel ang anak ni Elah na si Hosea. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya sa loob ng siyam na taon.

2 Kings 17:1 (UKJV) In the twelfth year of Ahaz king of Judah began Hoshea the son of Elah to reign in Samaria over Israel nine years.

1Noong ikalabindalawang taon ng paghahari ni Ahaz sa Juda, naging hari ng Israel ang anak ni Elah na si Hosea. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya sa loob ng siyam na taon.

2Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, pero hindi kasinsama ng ginawa ng mga hari ng Israel na nauna sa kanya.

3Nilusob ni Haring Shalmanaser ng Asiria si Hosea at natalo niya ito, kaya napilitang magbayad ng buwis taon-taon ang Israel sa Asiria.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.