2 Mga Hari 17

Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, pero hindi kasinsama ng ginawa ng mga hari ng Israel na nauna sa kanya.

2 Kings 17:2 (UKJV) And he did that which was evil in the sight of the LORD, but not as the kings of Israel that were before him.

1Noong ikalabindalawang taon ng paghahari ni Ahaz sa Juda, naging hari ng Israel ang anak ni Elah na si Hosea. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya sa loob ng siyam na taon.

2Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, pero hindi kasinsama ng ginawa ng mga hari ng Israel na nauna sa kanya.

3Nilusob ni Haring Shalmanaser ng Asiria si Hosea at natalo niya ito, kaya napilitang magbayad ng buwis taon-taon ang Israel sa Asiria.

4Di nagtagal, nalaman ng hari ng Asiria na nagtraydor sa kanya si Haring Hosea. Nagpadala pala ito ng mensahero kay Haring So ng Ehipto, at hindi na rin ito nagbibigay ng buwis, di-tulad ng dati nitong ginagawa taon-taon. Kaya ipinadakip siya ni Haring Shalmanaser ng Asiria at ipinakulong.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.