38Huwag ninyong kalimutan ang kasunduang ginawa ko sa inyo at huwag kayong sasamba sa ibang diyos.
39Sa halip, ako lamang ang sambahin ninyo, ang Panginoon na inyong Diyos. Ako lang ang magliligtas sa inyo sa lahat ng kaaway ninyo.”
40Pero hindi nakinig ang mga taong iyon at nagpatuloy sila sa dati nilang ginagawa.
41Habang sinasamba ng mga bagong mamamayan ang Panginoon, sumasamba rin sila sa mga diyos-diyosan nila. Hanggang ngayon ito pa rin ang ginagawa ng mga angkan nila.