2 Mga Hari 17

Huwag ninyong kalimutan ang kasunduang ginawa ko sa inyo at huwag kayong sasamba sa ibang diyos.

2 Kings 17:38 (UKJV) And the covenant that I have made with you all of you shall not forget; neither shall all of you fear other gods.

36Sambahin ninyo ako, ang Panginoon na naglabas sa inyo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng dakila kong kapangyarihan at lakas. Ako lamang ang inyong sasambahin at hahandugan.

37Palagi ninyong sundin ang mga tuntunin, turo at mga kautusan na isinulat ko para sa inyo. Hindi kayo dapat sumamba sa ibang diyos.

38Huwag ninyong kalimutan ang kasunduang ginawa ko sa inyo at huwag kayong sasamba sa ibang diyos.

39Sa halip, ako lamang ang sambahin ninyo, ang Panginoon na inyong Diyos. Ako lang ang magliligtas sa inyo sa lahat ng kaaway ninyo.”

40Pero hindi nakinig ang mga taong iyon at nagpatuloy sila sa dati nilang ginagawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.