2 Mga Hari 17

Palagi ninyong sundin ang mga tuntunin, turo at mga kautusan na isinulat ko para sa inyo. Hindi kayo dapat sumamba sa ibang diyos.

2 Kings 17:37 (UKJV) And the statutes, and the ordinances, and the law, and the commandment, which he wrote for you, all of you shall observe to do for evermore; and all of you shall not fear other gods.

35Gumawa ang Panginoon ng kasunduan sa mga Israelita, at iniutos sa kanila: “Huwag kayong sumamba sa mga diyos-diyosan o lumuhod sa kanila o maglingkod, o kayaʼy maghandog sa kanila.

36Sambahin ninyo ako, ang Panginoon na naglabas sa inyo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng dakila kong kapangyarihan at lakas. Ako lamang ang inyong sasambahin at hahandugan.

37Palagi ninyong sundin ang mga tuntunin, turo at mga kautusan na isinulat ko para sa inyo. Hindi kayo dapat sumamba sa ibang diyos.

38Huwag ninyong kalimutan ang kasunduang ginawa ko sa inyo at huwag kayong sasamba sa ibang diyos.

39Sa halip, ako lamang ang sambahin ninyo, ang Panginoon na inyong Diyos. Ako lang ang magliligtas sa inyo sa lahat ng kaaway ninyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.