2 Mga Hari 17

Gumawa ang Panginoon ng kasunduan sa mga Israelita, at iniutos sa kanila: “Huwag kayong sumamba sa mga diyos-diyosan o lumuhod sa kanila o maglingkod, o kayaʼy maghandog sa kanila.

2 Kings 17:35 (UKJV) With whom the LORD had made a covenant, and charged them, saying, All of you shall not fear other gods, nor bow yourselves to them, nor serve them, nor sacrifice to them:

33Kahit sinasamba nila ang Panginoon, patuloy pa rin sila sa pagsamba sa kanilang mga diyos-diyosan ayon sa kaugalian ng mga bansang pinanggalingan nila.

34Hanggang ngayon, ginagawa pa rin nila ito. Wala silang takot sa Panginoon, at hindi sila sumusunod sa mga tuntunin, mga turo at mga kautusan na ibinigay ng Panginoon sa lahi ni Jacob, na pinangalanan niyang Israel.

35Gumawa ang Panginoon ng kasunduan sa mga Israelita, at iniutos sa kanila: “Huwag kayong sumamba sa mga diyos-diyosan o lumuhod sa kanila o maglingkod, o kayaʼy maghandog sa kanila.

36Sambahin ninyo ako, ang Panginoon na naglabas sa inyo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng dakila kong kapangyarihan at lakas. Ako lamang ang inyong sasambahin at hahandugan.

37Palagi ninyong sundin ang mga tuntunin, turo at mga kautusan na isinulat ko para sa inyo. Hindi kayo dapat sumamba sa ibang diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.