2 Mga Hari 17

Sambahin ninyo ako, ang Panginoon na naglabas sa inyo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng dakila kong kapangyarihan at lakas. Ako lamang ang inyong sasambahin at hahandugan.

2 Kings 17:36 (UKJV) But the LORD, who brought you up out of the land of Egypt with great power and a stretched out arm, him shall all of you fear, and him shall all of you worship, and to him shall all of you do sacrifice.

34Hanggang ngayon, ginagawa pa rin nila ito. Wala silang takot sa Panginoon, at hindi sila sumusunod sa mga tuntunin, mga turo at mga kautusan na ibinigay ng Panginoon sa lahi ni Jacob, na pinangalanan niyang Israel.

35Gumawa ang Panginoon ng kasunduan sa mga Israelita, at iniutos sa kanila: “Huwag kayong sumamba sa mga diyos-diyosan o lumuhod sa kanila o maglingkod, o kayaʼy maghandog sa kanila.

36Sambahin ninyo ako, ang Panginoon na naglabas sa inyo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng dakila kong kapangyarihan at lakas. Ako lamang ang inyong sasambahin at hahandugan.

37Palagi ninyong sundin ang mga tuntunin, turo at mga kautusan na isinulat ko para sa inyo. Hindi kayo dapat sumamba sa ibang diyos.

38Huwag ninyong kalimutan ang kasunduang ginawa ko sa inyo at huwag kayong sasamba sa ibang diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.