2 Mga Hari 17

Kahit sinasamba nila ang Panginoon, patuloy pa rin sila sa pagsamba sa kanilang mga diyos-diyosan ayon sa kaugalian ng mga bansang pinanggalingan nila.

2 Kings 17:33 (UKJV) They feared the LORD, and served their own gods, after the manner of the nations whom they carried away from thence.

31Sinamba ng mga taga-Ava ang diyos nilang sina Nibhaz at Tartac. Sinunog naman sa apoy ng mga taga-Sefarvaim ang mga anak nila bilang handog sa diyos nilang sina Adramelec at Anamelec.

32Sinamba nila ang Panginoon, pero pumili sila ng mga pari na mula sa kanila para mag-alay ng mga handog sa mga sambahan sa matataas na lugar.

33Kahit sinasamba nila ang Panginoon, patuloy pa rin sila sa pagsamba sa kanilang mga diyos-diyosan ayon sa kaugalian ng mga bansang pinanggalingan nila.

34Hanggang ngayon, ginagawa pa rin nila ito. Wala silang takot sa Panginoon, at hindi sila sumusunod sa mga tuntunin, mga turo at mga kautusan na ibinigay ng Panginoon sa lahi ni Jacob, na pinangalanan niyang Israel.

35Gumawa ang Panginoon ng kasunduan sa mga Israelita, at iniutos sa kanila: “Huwag kayong sumamba sa mga diyos-diyosan o lumuhod sa kanila o maglingkod, o kayaʼy maghandog sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.