2 Mga Hari 17

Sinamba nila ang Panginoon, pero pumili sila ng mga pari na mula sa kanila para mag-alay ng mga handog sa mga sambahan sa matataas na lugar.

2 Kings 17:32 (UKJV) So they feared the LORD, and made unto themselves of the low of them priests of the high places, which sacrificed for them in the houses of the high places.

30Ginawang diyos ng mga taga-Babilonia si Sucot-benot. Sinamba ng mga taga-Cuta ang diyos nilang si Nergal. Sinamba naman ng mga taga-Hamat si Asima.

31Sinamba ng mga taga-Ava ang diyos nilang sina Nibhaz at Tartac. Sinunog naman sa apoy ng mga taga-Sefarvaim ang mga anak nila bilang handog sa diyos nilang sina Adramelec at Anamelec.

32Sinamba nila ang Panginoon, pero pumili sila ng mga pari na mula sa kanila para mag-alay ng mga handog sa mga sambahan sa matataas na lugar.

33Kahit sinasamba nila ang Panginoon, patuloy pa rin sila sa pagsamba sa kanilang mga diyos-diyosan ayon sa kaugalian ng mga bansang pinanggalingan nila.

34Hanggang ngayon, ginagawa pa rin nila ito. Wala silang takot sa Panginoon, at hindi sila sumusunod sa mga tuntunin, mga turo at mga kautusan na ibinigay ng Panginoon sa lahi ni Jacob, na pinangalanan niyang Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.