28Kaya ang isa sa mga pari na binihag mula sa Samaria ay bumalik at tumira sa Betel, at tinuruan niya ang mga bagong nakatira roon kung paano sambahin ang Panginoon.
29Pero ang ibaʼt ibang grupo ng mga taong ito ay patuloy pa rin sa paggawa ng sarili nilang mga diyos-diyosan. Sa bawat bayan na tinitirhan nila ay nilalagyan nila ng mga diyos-diyosan sa mga sambahan sa matataas na lugar na ginawa ng mga taga-Samaria.
30Ginawang diyos ng mga taga-Babilonia si Sucot-benot. Sinamba ng mga taga-Cuta ang diyos nilang si Nergal. Sinamba naman ng mga taga-Hamat si Asima.
31Sinamba ng mga taga-Ava ang diyos nilang sina Nibhaz at Tartac. Sinunog naman sa apoy ng mga taga-Sefarvaim ang mga anak nila bilang handog sa diyos nilang sina Adramelec at Anamelec.
32Sinamba nila ang Panginoon, pero pumili sila ng mga pari na mula sa kanila para mag-alay ng mga handog sa mga sambahan sa matataas na lugar.