3Noong ikalabingwalong taon ng paghahari ni Josias, pinapunta niya sa Templo ng Panginoon ang kanyang kalihim na si Safan, na anak ni Azalias at apo ni Mesulam at sinabi,
4“Pumunta ka sa punong pari na si Hilkias at ipaipon mo sa kanya ang perang dinala ng mga tao sa Templo ng Panginoon, na kinolekta ng mga paring nagbabantay sa pintuan ng Templo.
5Sabihin mo na ibigay niya ito sa mga taong pinagkakatiwalaang mamahala sa pagpapaayos ng Templo, para ibayad sa mga manggagawa sa Templo ng Panginoon;
6ang mga karpintero at mga mason. Ang ibang pera ay ibibili nila ng mga kahoy at mga hinating bato na kailangan sa pagpapaayos ng Templo.
7Hindi na sila kailangan pang hanapan ng listahan kung paano ginastos ang pera dahil mapagkakatiwalaan sila.”