2 Mga Hari 22

“Pumunta ka sa punong pari na si Hilkias at ipaipon mo sa kanya ang perang dinala ng mga tao sa Templo ng Panginoon, na kinolekta ng mga paring nagbabantay sa pintuan ng Templo.

2 Kings 22:4 (UKJV) Go up to Hilkiah the high priest, that he may sum the silver which is brought into the house of the LORD, which the keepers of the door have gathered of the people:

2Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon at sumunod siya sa pamumuhay ng ninuno niyang si David. At lubos siyang sumunod sa mga utos ng Diyos.

3Noong ikalabingwalong taon ng paghahari ni Josias, pinapunta niya sa Templo ng Panginoon ang kanyang kalihim na si Safan, na anak ni Azalias at apo ni Mesulam at sinabi,

4“Pumunta ka sa punong pari na si Hilkias at ipaipon mo sa kanya ang perang dinala ng mga tao sa Templo ng Panginoon, na kinolekta ng mga paring nagbabantay sa pintuan ng Templo.

5Sabihin mo na ibigay niya ito sa mga taong pinagkakatiwalaang mamahala sa pagpapaayos ng Templo, para ibayad sa mga manggagawa sa Templo ng Panginoon;

6ang mga karpintero at mga mason. Ang ibang pera ay ibibili nila ng mga kahoy at mga hinating bato na kailangan sa pagpapaayos ng Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.