2 Mga Hari 22

Noong ikalabingwalong taon ng paghahari ni Josias, pinapunta niya sa Templo ng Panginoon ang kanyang kalihim na si Safan, na anak ni Azalias at apo ni Mesulam at sinabi,

2 Kings 22:3 (UKJV) And it came to pass in the eighteenth year of king Josiah, that the king sent Shaphan the son of Azaliah, the son of Meshullam, the scribe, to the house of the LORD, saying,

1Si Josias ay walong taóng gulang nang maging hari ng Juda. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya sa loob ng tatlumpuʼt isang taon. Ang kanyang ina ay si Jedida, na taga-Bozkat, na anak ni Adaya.

2Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon at sumunod siya sa pamumuhay ng ninuno niyang si David. At lubos siyang sumunod sa mga utos ng Diyos.

3Noong ikalabingwalong taon ng paghahari ni Josias, pinapunta niya sa Templo ng Panginoon ang kanyang kalihim na si Safan, na anak ni Azalias at apo ni Mesulam at sinabi,

4“Pumunta ka sa punong pari na si Hilkias at ipaipon mo sa kanya ang perang dinala ng mga tao sa Templo ng Panginoon, na kinolekta ng mga paring nagbabantay sa pintuan ng Templo.

5Sabihin mo na ibigay niya ito sa mga taong pinagkakatiwalaang mamahala sa pagpapaayos ng Templo, para ibayad sa mga manggagawa sa Templo ng Panginoon;

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.