1Si Josias ay walong taóng gulang nang maging hari ng Juda. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya sa loob ng tatlumpuʼt isang taon. Ang kanyang ina ay si Jedida, na taga-Bozkat, na anak ni Adaya.
2Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon at sumunod siya sa pamumuhay ng ninuno niyang si David. At lubos siyang sumunod sa mga utos ng Diyos.
3Noong ikalabingwalong taon ng paghahari ni Josias, pinapunta niya sa Templo ng Panginoon ang kanyang kalihim na si Safan, na anak ni Azalias at apo ni Mesulam at sinabi,
4“Pumunta ka sa punong pari na si Hilkias at ipaipon mo sa kanya ang perang dinala ng mga tao sa Templo ng Panginoon, na kinolekta ng mga paring nagbabantay sa pintuan ng Templo.