2 Mga Hari 23

Kinuha rin niya sa pintuan ng Templo ng Panginoon ang mga kabayo na inialay ng mga hari ng Juda para sa araw. Ang mga kabayong ito ay nasa bandang bakuran ng Templo, malapit sa kuwarto ng opisyal na si Natan-melec. Sinunog din ni Josias ang mga karwahe na inihahandog sa araw.

2 Kings 23:11 (UKJV) And he took away the horses that the kings of Judah had given to the sun, at the entering in of the house of the LORD, by the chamber of Nathanmelech the chamberlain, which was in the suburbs, and burned the chariots of the sun with fire.

9Ang mga paring naglilingkod sa mga sambahan sa matataas na lugar ay hindi pinayagang maglingkod sa altar ng Panginoon sa Jerusalem, pero pinayagan silang kumain ng tinapay na walang pampaalsa kasama ng ibang mga pari.

10Ipinagiba rin ni Josias ang altar ng Tofet, sa Lambak ng Ben-hinom, upang walang sinumang maghahandog ng mga anak nila sa pamamagitan ng apoy para kay Molec.

11Kinuha rin niya sa pintuan ng Templo ng Panginoon ang mga kabayo na inialay ng mga hari ng Juda para sa araw. Ang mga kabayong ito ay nasa bandang bakuran ng Templo, malapit sa kuwarto ng opisyal na si Natan-melec. Sinunog din ni Josias ang mga karwahe na inihahandog sa araw.

12Ipinagiba niya ang mga altar na ipinatayo ng mga hari ng Juda sa bubong ng kuwarto ni Ahaz, pati ang mga altar na ipinagawa ni Manases sa bakuran ng Templo ng Panginoon. Ipinadurog niya ito ng pino at isinabog ang abo sa Lambak ng Kidron.

13Dinungisan din niya ang mga sambahan sa matataas na lugar sa silangan ng Jerusalem at sa timog ng Bundok ng Kasamaan. Ang mga sambahang ito ay ipinatayo ni Haring Solomon ng Israel para kay Astoret, ang kasuklam-suklam na diyosa ng mga Sidoneo, para kay Cemos, ang kasuklam-suklam na diyos-diyosan ng mga Moabita, at para rin kay Molec, ang kasuklam-suklam diyos-diyosan ng mga Amonita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.