2 Mga Hari 23

Pumunta siya sa Templo ng Panginoon kasama ang lahat ng mamamayan ng Juda at Jerusalem, mula sa pinakatanyag hanggang sa pinakamababa. Sumama rin ang mga pari at mga propeta. Binasa sa kanila ni Josias ang lahat ng nakasulat sa Aklat ng Kasunduan ng Diyos, na nakita sa Templo ng Panginoon.

2 Kings 23:2 (UKJV) And the king went up into the house of the LORD, and all the men of Judah and all the inhabitants of Jerusalem with him, and the priests, and the prophets, and all the people, both small and great: and he read in their ears all the words of the book of the covenant which was found in the house of the LORD.

1Pagkatapos, ipinatawag ni Haring Josias ang lahat ng tagapamahala ng Juda at Jerusalem.

2Pumunta siya sa Templo ng Panginoon kasama ang lahat ng mamamayan ng Juda at Jerusalem, mula sa pinakatanyag hanggang sa pinakamababa. Sumama rin ang mga pari at mga propeta. Binasa sa kanila ni Josias ang lahat ng nakasulat sa Aklat ng Kasunduan ng Diyos, na nakita sa Templo ng Panginoon.

3Pagkatapos, tumayo si Haring Josias sa gilid ng haligi. At gumawa siya ng kasunduan sa presensya ng Panginoon na susunod siya sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtupad sa kanyang mga utos, katuruan, at tuntunin nang buong pusoʼt kaluluwa. Sa ganitong paraan matutupad ang mga ipinapatupad na kasunduan na nasusulat sa aklat na ito. At nangako rin ang mga tao na tutupad sila sa kasunduan.

4Pagkatapos, inutusan ni Haring Josias ang punong pari na si Hilkias, ang mga paring pumapangalawa sa katungkulan ni Hilkias at ang mga paring nagbabantay sa pintuan ng Templo, na alisin sa Templo ng Panginoon ang lahat ng kagamitan na ginagamit sa pagsamba kina Baal, Ashera, at sa lahat ng bagay na nasa langit. Ipinasunog niya ito sa labas ng Jerusalem, sa bukid ng Lambak ng Kidron, at dinala ang abo sa Betel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.